Monday, January 7, 2019

“Ninong Ed for Vice Mayor! “


Talent Search from the grassroots.


Acting Vice Mayor Ed Piano’s Holiday Greetings


GPS Holiday Greetings 2018




GST Gordon-Piano Slate


Olongapo then and now

https://www.manilatimes.net/olongapo-city-is-dying/492414/

Sinasalamin ng kasalukuyang sitwasyon ng ating lipunan ang uri ng bagong liderato meron tayo nitong nakalipas na mga taon. Tila napabayaan na ang ating pampublikong ospital, palengke. Nagkabuhol-buhol ang trapiko sa lansangan. Hindi pa rin nareresolba ang paglala ng kahirapan at droga. Dumagsa ang mga budol-budol at akyat bahay gangs. Tila nawala na ang disiplina na dati meron ang mamamayan. Nawawala ang spirit of competitiveness and volunteerism pati ang sense of history and patriotism, pagsawalang bahala sa sining at kultura. Tila mas pinapaboran kung paano kumita ng limpak ang lungsod kaysa sa matulungan ang mamamayan na umangat at gumaan ang Kabuhayan (pansinin ang sobra-sobrang pagtaas sa amelyar, bayarin sa business permit, at renta ng upa sa mga stallholder sa pampublikong pamilihan, pati na sa towing). Ang paglapastangan sa kalikasan: pagputol sa matatandang puno at pagpatag sa kabundukan para matayuan ng batching plant na hindi idinaan sa Sanggunian, quarrying sa ating mga ilog at dagat, proyektong kunwari ay tumutulong sa bayan pero mas pinagkakwartahan pala. Marami tayong dapat baguhin sa Olongapo. Tutukan ang edukasyon ng kabataan at imulat sa good citizenship values. Siguraduhin na ang uusbong na bagong henerasyon ng Olongapeños ay matalino, responsable, may malasakit, lalaban sa katiwalian ng mga nasa gobyerno, may integridad at prinsipyo, at may moral ascendancy.  Panalangin ko na sana mailagay ang tamang liderato na magpapatakbo ng siyudad at magsisilbing modelo sa ating mga kabataan.

”The city was known for its innovative methods of urban management in the 1980s when it came to addressing crime and sanitation, which is said to have been copied by other local governments nationwide. The city pioneered the color-coded transport system, solid waste management system, volunteerism among vendors, elderly, youth and women’s groups, use of slogans, and emergency response teams. Too many awards have been given to this city – the UNESCO Cities for Peace, representing Asia and the Pacific in 1997, and the Konrad Adenauer Local Medal of Excellence in 1999, among others.”